February 26, 2025

Home SHOWBIZ Events

Kris nakadilaw at pink sa awards night, sakto sa EDSA39

Kris nakadilaw at pink sa awards night, sakto sa EDSA39
Photo courtesy: Cornerstone Entertainment (IG)/ABS-CBN News via MJ Felipe (FB)

Nabigla ang mga dumalo sa awards night ng Stargate People Asia's People of the Year 2025 nang biglang lumitaw si Queen of All Media Kris Aquino, kasama ang bunsong anak na si Bimby Aquino Yap.

Kahit may face mask, kapansin-pansin ang pagiging magiliw at radiant pa rin ni Kris habang nakadilaw na top na may fuchsia pink na blazer. Floral naman ang kaniyang palda na aabot hanggang sahig ang haba.

Saktong paggunita pa sa ika-39 na anibersaryo ng EDSA People Power Revolution I noong Martes, Pebrero 25, kaya talaga namang tila nataon pa ang kulay ng kaniyang kasuotan.

Halatang namayat si Kris dahil sa tindi ng gamutan niya sa halos siyam na iniindang sakit, subalit hindi niya ito alintana para makadalo lamang sa awards night para sa kaibigang si Michael Leyva.

Events

Bakit bumulaga, naparampa si Kris Aquino para kay Michael Leyva?

Ito ang unang public appearance ni Kris simula nang dumalo siya sa isa sa mga sortie noon ng Leni-Kiko tandem sa Tarlac, at pagkatapos ay muli siyang nag-hiatus dahil sa pagpapagaling sa mga sakit. 

Si Michael Leyva, na isa sa mga pinarangalan, ay isang kilalang fashion designer sa bansa, ay parang "younger brother" na raw ni Kris. Kaya mula sa US ay talagang umuwi ng Pilipinas si Krissy para suportahan ang kaibigan.

Natanong naman si Kris kung bakit espesyal para sa kaniya si Michael at talagang napalabas pa siya ng bahay para lamanag suportahan ang kaibigan sa panibagong milestone na ito.

"He's acting like the dad to Bim and the dad to kuya. He's more than just a friend."

"He is more than just a friend. He is like the younger brother I never had," paliwanag ni Kris.

"There are people who would say ‘I’ll be there for you’ or ‘Maaasahan mo ako’ but Michael has proven so many times, and in so many ways," aniya pa.

"Younger brother she never had" ni Kris si Michael dahil ang kaisa-isang lalaking kapatid nila, na pumanaw na si dating Pangulong Noynoy Aquino, ay kuya niya.

MAKI-BALITA: Bakit bumulaga, naparampa si Kris Aquino para kay Michael Leyva?

Nataon namang sa araw na iyon ang awards night ng People of the Year na sumakto naman sa paggunita ng EDSA39.

"What a perfect coming out, anang Kris.

Nag-sorry din ang Queen of All Media matapos niyang ma-late sa pagdating dahil daw sa epekto ng gamot.

"I'm sorry that we're late. They had trouble waking me up... I actually thought today is the 24th and tomorrow pa 'yong 25. He was the one who told me," paliwanag ni Kris, na ang tinutukoy ay si Kris.

"I want to congratulate him talaga," dagdag pa niya.

Aminado naman si Kris na nang mga sandaling iyon ay hindi pa siya masyadong okay. Kamakailan lamang ay nagbigay ng health updates si Kris, at dito ay inamin din niyang single na siya ulit.