February 26, 2025

Home BALITA Eleksyon

Donny Pangilinan, inendorso si Atty. Kiko Pangilinan

Donny Pangilinan, inendorso si Atty. Kiko Pangilinan
Photo Courtesy: Screenshots from Kiko Pangilinan (X)

Opisyal nang inendorso ni Kapamilya actor at Pilipinas Got Talent  (PGT) season 7 judge Donny Pangilinan si senatorial aspirant Atty. Kiko Pangilinan.

Sa latest Facebook post ni Pangilinan nitong Miyerkules, Pebrero 26, mapapanood ang isang maiksing video kung saan hinikayat ni Donny na ibalik ang tito niya sa senado.

“SI Tito Kiko, isinusulong ang mababang presyo ng pagkain. [...] Kiko Pangilinan, ibalik sa Senado. Number 51,” saad ni Donny.

Sabi naman ni Pangilinan sa caption, “Hello, Donny! Hello, pagkain sa mababang presyo! Walang kulay ang gutom—nangangarap tayong lahat ng murang bigas, masarap na pagkain, at ginhawa para sa pamilya.”

Eleksyon

Ex-VP Leni, inendorso si Chel Diokno: ‘Kailangan natin ng may paninindigan!’

“Suportahan natin ang ating mga magsasaka at mangingisda—kapag umasenso sila, busog tayong lahat!” dugtong pa niya.

Matatandaang minsan na ring sinuportahan ni Donny ang kandidatura ni Pangilinan sa pagkabise-presidente noong 2022 presidential elections.

MAKI-BALITA: Donny, may 'story time' tungkol kay Sen. Kiko: napa-'What a Night!' matapos ang PasigLaban