Nagbigay ng reaksiyon si Akbayan Partylist Rep. Perci Cendaña kaugnay sa balak ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon na pahabain ang operating hours ng Metro Rail Transit Line (MRT) 3 at Light Rail Transit (LRT) systems.
Ayon kay Cendaña nitong Miyerkules, Pebrero 26, natutuwa raw siya sa pagiging bukas ni Dizon sa pagpapalawig ng biyahe ng MRT at LRT lines.
“Natutuwa kami sa pinapakitang kabukasan ni Sec. Dizon sa ating panawagan na iextend na itong operating hours ng MRT at LRT para makinabang ang mga commuters especially mga BPO and night shift workers,” saad ni Cendaña sa Facebook post ng Akbayan.
Dagdag pa niya, “We hope that this change in tone from the transport department will lead to more improvements to our transportation system.”
Matatandaang nauna nang nanawagan ang Akbayan sa DOTr noong Nobyembre 2024 na pahabain ang operating hours ng mga nabanggit na rail transit para sa mga nagtatrabaho ng night shift.
MAKI-BALITA: Akbayan, hinimok ang DOTr na pahabain operating hours ng LRT, MRT