Umabot na sa ₱65,000 ang pabuya para sa makapapagturo sa suspek na pumana umano n sa isang aso sa Murcia, Negros Occidental, kamakailan.
Nauna nang ipanawagan ng tulong ng BACH Project PH Inc., isang registered all-volunteer nonprofit organization na nakabase sa Bacolod City noong Pebrero 24, 2025 ang sinapit ng asong kinilalang si “TikTok” na nagtamo ng limang tama ng Indian arrow sa iba’t ibang bahagi ng kaniyang katawan.
Kinailangan din umanong salinan ng dugo ang nasabing aso na ngayo’y matagumpay na naalis ang mga panang tumama sa kaniyang mukha at binti.
Kaugnay nito, inihayag din din BACH Project PH Inc., ang pabuya para sa agarang pagtukoy sa suspek na nanakit kay TikTok. Nauna na rin umanong nag-donate ng ₱15,000 si Sen. JV Ejercito para sa naturang reward money.
Samantala, nagpaabot na rin ng pagkondena ang Animal Kingdom Foundation (AKF) sa sinapit ni TikTok.
“It’s extremely bothering and infuriating to think what was done to this dog. The amount of cruelty in this case is extreme! No animal deserves to suffer like this! And a human who is capable of doing such a brutal act is heartless and is certainly not in a right mind!” anang AKF.