February 26, 2025

Home BALITA Politics

'Whether it's a Duterte dictatorship or Marcos dictatorship, kailangan nating labanan' –Casiño

'Whether it's a Duterte dictatorship or Marcos dictatorship, kailangan nating labanan' –Casiño
Photo Courtesy: Ralph Mendoza/BALITA, MB File Photo

Nagbigay ng reaksiyon si senatorial aspirant at Bagong Alyansang Makabayan chairperson Teddy Casiño hinggil sa pahayag ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na patungo umano sa diktadurya ang panunungkulan ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos, Jr.

Matatandaang inalmahan ng Malacañang ang patutsadang ito ni Duterte kay PBBM sa ginanap na Cebu People's Indignation Rally sa Mandaue City, Cebu noong Pebrero 22.

MAKI-BALITA: Malacañang, inalmahan patutsada ni FPRRD kay PBBM hinggil sa pagiging ‘diktador’

Sa panayam ng media nitong Biyernes, Pebrero 25, sinabi ni Casiño na kailangan daw umanong labanan ang diktadurya ito man ay mula sa Duterte o Marcos. 

Politics

Sharon Cuneta, dinepensahan si Kiko Pangilinan laban sa fake news

“Alam siguro niya dahil no’ng time niya gusto rin niyang maging diktador, e. I think, whether it’s a Duterte dictatorship or Marcos dictatorship, kailangan nating labanan ‘yan,” saad ni Casiño.

Dagdag pa niya, “There’s always that danger. No’ng panahon ni Gloria [Macapagal-Arroyo]. May gano’ng banta rin, e.”

Kaya naman—ayon kay Casiño—kailangan laging buhayin ang diwa ng EDSA I dahil ito ang magsisilbing panlaban sa anomang tangka ng mga nasa poder.

Inirerekomendang balita