February 28, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Matapos magsadya sa NBI: Jam Ignacio, lumipad pa-Japan?

Matapos magsadya sa NBI: Jam Ignacio, lumipad pa-Japan?
Photo courtesy: Screenshots from Jam Ignacio (IG)/GMA Integrated News (YT)

Usap-usapan ang mga Instagram story ng kontrobersiyal na negosyante-personalidad na si Jam Ignacio na nagpapakita ng iba't ibang ganap niya, na mahihinuhang sa Japan.

Ayon sa ulat ng Philippine Entertainment Portal o PEP published nitong Martes, Pebrero 25, makikita ang serye ng Instagram stories ni Jam noong Pebrero 22 na tila namamasyal siya sa Japan.

Una na raw dito ang pagbabahagi niya sa pakpak ng sinasakyang eroplano habang nasa himpapawid.

Sunod dito ang larawan ng train station sa may Keihin-Tohoku Line, na nagkokonekta naman sa mga lungsod ng Saitama, Kawaguchi, Tokyo, Kawasaki, at Yokohama.

Tsika at Intriga

Jellie Aw matapos pananapak ni Jam Ignacio: 'Buo na ulit yung nabasag!'

Flinex din niya ang inorder niyang ramen at gyoza.

Photo courtesy: Jam Ignacio (IG) via PEP

Binisita naman ng Balita ang latest Instagram story niya at makikita ang maiksing video clip, habang naglalakad siya papasok sa isang establishment.

Makikita sa salamin ng "A Pit Autobacks Shinonome" ang repleksyon niya habang kinukuhanan ng video ang sarili at naglalakad papalapit.

Kita sa repleksyon na naka-sweater siya at may sumbrerong kulay-green.

Pumasok siya sa loob ng establishment at ipinakita kung ano ang mga naroon, at doon na natapos ang video clip.

Photo courtesy: Screenshots from Jam Ignacio (IG) via Richard de Leon (BALITA)

Makikita ang nabanggit na establishment sa Shinonome, Koto City, Tokyo, Japan.

Hindi naman sigurado kung talaga bang nasa Japan siya o baka naman late upload lang ang mga ito.

Saad pa sa ulat ng PEP, nangyari umano ang paglipad sa Japan matapos niyang magsadya sa National Bureau of Investigation (NBI) at makaharap ang direktor nitong si Jaime Santiago.

Kaugnay pa rin ito sa reklamo ng kaniyang dating fiancee na si Jellie Aw, sa umano'y panggugulpi sa kaniya.

Matatandaang humingi na ng tawad si Jam kay Jellie at sa pamilya nito, at umasam na sana ay matuloy ang kasal.

MAKI-BALITA: Jam Ignacio nag-sorry kay Jellie Aw, gusto pang makasal sila

Pero saad ni Jellie, walang kasalang magaganap at tuloy ang pagsasampa niya ng legal charges laban sa dating kasintahan.

MAKI-BALITA: Jellie Aw, mahal pa rin si Jam Ignacio pero gustong bigyan ng leksyon

Samantala, nagbigay naman ng update si Jellie patungkol sa kasalukuyan niyang kondisyon matapos ang pananapak sa kaniya.

MAKI-BALITA: Jellie Aw, nag-update tungkol sa sapak sa kaniya ni Jam Ignacio

Wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag tungkol dito si Jam, o maging si Jellie. Bukas ang Balita sa kanilang panig.