February 25, 2025

Home BALITA Internasyonal

Lalaki sa Indiana, makukulong ng 105 taon

Lalaki sa Indiana, makukulong ng 105 taon
freepik

Nasentensiyahan ng 105 taon na pagkakakulong ang isang lalaki sa Indiana, ayon sa ulat ng international media outlet nitong Martes, Pebrero 25.

Sa ulat ng Associated Press (AP), makukulong ng mahigit 100 taon si Shamar Duncan dahil sa pamamaril sa isang Dutch soldier noong 2022 at dalawang sundalo naman ang sugatan.

Sinetensiyahan ng Marion County judge noong Lunes si Duncan ng 60 taong pagkakakulong para sa murder, 35 taon para sa attempted murder, at 10 taong pagkakakulong para sa aggravated battery. 

Dagdag ng ulat, ayon sa dokumento ng korte, nagte-training ang biktimang si Simmie Poetsema, 26, at dalawa pang sundalo sa isang military camp sa southern Indiana. Habang naglalakad pabalik sa kanilang hotel ng isang gabi, nakasagupaan nila si Duncan at mga kaibigan nito. 

Internasyonal

Malawakang prayer vigil, ikinasa sa iba't ibang panig ng mundo para kay Pope Francis

Sinabi ng mga saksi sa pulisya na sinubukan ng mga sundalo na i-defuse ang sitwasyon ngunit nagkaroon umano ng away bago ang pagputok ng baril mula sa isang dumaan na pickup truck.

"Duncan told one of his friends that he opened fire on the soldiers because he 'just spazzed,' according to an arrest affidavit," saad ng AP. 

Samantala, humingi ng paumanhin si Duncan sa pamilya ng mga biktima.