February 26, 2025

Home BALITA National

EXCLUSIVE: Apo nina Ninoy, Cory sa pagsakay umano ng Dutertes sa EDSA39: ‘Wala silang totoong prinsipyo!’

EXCLUSIVE: Apo nina Ninoy, Cory sa pagsakay umano ng Dutertes sa EDSA39: ‘Wala silang totoong prinsipyo!’
(Photo: MJ Salcedo/BALITA)

Nagbigay ng reaksyon ang apo nina dating Senador Ninoy Aquino at dating Pangulong Cory Aquino na si Kiko Dee sa naging pagsubok umano ng mga Duterte na “sumakay” sa diwa ng EDSA People Power Revolution I.

Sa eksklusibong panayam ng Balita sa gitna ng kanilang paggunita ng ika-39 na anibersaryo ng EDSA I sa People Power Monument nitong Martes, Pebrero 25, binigyang-diin ni Dee na wala umanong totoong prinsipyo ang mga Duterte dahil sa naging mga pahayag nila ukol sa EDSA.

“Sa mga Duterte na sumusubok na sumakay sa diwa ng People Power, ang ibig sabihin lang noon para sa akin, wala silang totoong prinsipyo, kaya sumasakay sila sa diwa ng EDSA na siyang may totoong prinsipyo [at] totoong pagmamahal para sa bayan,” ani Dee. 

Matatandaang nauna nang naglabas ng pahayag si Davao City Mayor Sebastian "Baste" Duterte nito lamang ding Martes bilang pakikiisa sa paggunita ng EDSA I.

National

EXCLUSIVE: Apo nina Ninoy at Cory, kinondena pagdeklarang ‘special working day’ sa Feb. 25

MAKI-BALITA: Baste Duterte sa #EDSA39: 'May the darkest times in our history never happen again'

Matatandaang noong Pebrero 25, 1986 nang maganap ang EDSA People Power Revolution I kung saan muling naibalik ang demokrasya ng bansa matapos mawakasan ang rehimen ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. sa pamamagitan ng mapayapang rebolusyon.

KAUGNAY NA BALITA: EXCLUSIVE: Apo nina Ninoy at Cory, kinondena pagdeklarang ‘special working day’ sa Feb. 25