February 25, 2025

Home BALITA National

EDSA I, unfinished revolution; kailangang kompletuhin –Espiritu

EDSA I, unfinished revolution; kailangang kompletuhin –Espiritu
Photo Courtesy: Ralph Mendoza/BALITA

Nagbigay ng pananaw ang senatorial aspirant at labor leader na si Atty. Luke Espiritu kaugnay sa ika-39 na anibersaryo ng EDSA I Revolution.

Sa eksklusibong panayam ng Balita nitong Martes, Pebrero 25, sinabi ni Espiritu na ang unang EDSA ay isa umanong “unfinished revolution” na kinakailangang tapusin.

“Ngayon bumabalik na naman ang elite rule at sa pinakamasamang manipestasyon pa nito. Kung ano ang hitsura ng elite rule ‘yan ang ipinapamalas ng isang Duterte administration at Marcos administration. Isang administrasyon na mamamatay-tao, administrasyon na magnanakaw,” saad ni Espiritu. 

“‘Yan ‘yong ating nakita na parang naging development after ng EDSA People Power, which should have not been like that if only we have completed the EDSA People Power Revolution,” pagpapatuloy niya. “When I say we should have completed it, ibig sabihin dapat nagkaroon tayo ng mas malawak na pagbabago sa ating lipunan.”

National

EXCLUSIVE: Apo nina Ninoy, Cory sa pagsakay umano ng Dutertes sa EDSA39: ‘Wala silang totoong prinsipyo!’

Ayon kay Espiritu, ang pagbabagong panlipunang tinutukoy niya ay ang pagkakaroon ng kapangyarihan ng batayang masa at pagiging patas ng ekonomiya sa mga magsasaka, manggagawa, pati sa maralita.

Dagdag pa niya, “So meaning to say, ‘yong diwa ng EDSA sine-celebrate natin but it also a reminder of a fact na ‘yan ay unfinished revolution at kailangan natin kompletuhin. Kailangan nating patalsikin ang pwersa both kasamaan at kadiliman.”

Matatandaang ang EDSA People Power Revolution I ay serye ng mga protesta noong 1986 na nagpabagsak sa mahabang panunungkulan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr. sa bansa.

MAKI-BALITA: BALITAnaw: Paggunita sa unang EDSA People Power Revolution

Inirerekomendang balita