February 24, 2025

Home BALITA

SP Chiz, 'di naniniwalang 'diktador' si PBBM

SP Chiz, 'di naniniwalang 'diktador' si PBBM
Photo courtesy: Senate of the Philippines,Bongbong Marcos/Facebook

Dumipensa si Senate President Chiz Escudero sa naging pahayag ni dating Pangulong Rodrigo Duterte nang tawagin niyang umano'y  'diktador' si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr.

Sa pamamagitan ng text message na ipinadala ni Escudero sa ilang reporters nitong Lunes, Pebrero 24, 2025, tahasan niyang iginiit na hindi umano makatwiran at walang katotohanan ang naturang pahayag ng dating pangulo. 

"When their accusation that Marcos was a weak leader who was not in control did not fly, now they are accusing him of the exact opposite and now supposedly has dictatorial tendencies. It is not only inconsistent but also irrational and untrue," ani Escudero. 

Matatandaang sa Cebu People's Indignation Rally sa Mandaue City, Cebu noong Sabado, Pebrero 22, iginiit ni FPRRD na patungo umano sa diktadurya si PBBM at hindi siya bababa sa kaniyang puwesto pagkatapos ng kaniyang termino.

Probinsya

Pagbaril kay Maguindanao del Sur Mayor Samama, kinondena ng MILG

Dagdag pa ni Escudero, hindi rin umano siya naniniwala sa naturang pahayag ni FPRRD.

"I can say with certainty that I do not subscribe to former President Duterte's statement because I simply do not see it and cannot infer nor believe it from Marcos' attitude, outlook and work ethic," anang Senate President. 

Samantala, nauna na ring magpahayag ng pag-alma ang Malacañang at iginiit na wala umanong matibay na basehan si dating Pangulong Duterte sa kaniyang naging paratang. 

KAUGNAY NA BALITA:  Malacañang, inalmahan patutsada ni FPRRD kay PBBM hinggil sa pagiging ‘diktador’