February 24, 2025

Home BALITA Probinsya

Pagbaril kay Maguindanao del Sur Mayor Samama, kinondena ng MILG

Pagbaril kay Maguindanao del Sur Mayor Samama, kinondena ng MILG
Photo courtesy: Contributed photo/Facebook

Itinuturing ng Ministry of the Interior and Local Government (MILG) of the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na pag-atake sa kapayapaan at demokrasya ang ginawang pagbaril kay Maguindanao del Sur Vice Mayor Atty. Omar Samama nitong Lunes, Pebrero 24, 2025. 

"The Ministry of the Interior and Local Government (MILG) of the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) strongly condemns the senseless and cowardly attack on Vice Mayor Atty. Omar A. Samama of Datu Piang, Maguindanao del Sur, who was wounded in a shooting incident this morning, February 24, 2025," anang MILG-BARMM.

Dagdag pa nila, "The act of violence against a public servant is an attack on peace, democracy, and the rule of law in the Bangsamo."

Matatandaang binaril ang nasabing Vice Mayor sa kasagsagan ng 4th Serbisyong Handog ng Inyong Nagmamalasakit at Epektibong (SHINE) medical outreach and relief distribution activity nitong Lunes. Kumalat pa sa social media ang video ng aktuwal na pagkakabaril sa kaniya habang nagtatalumpati sa entablado.

Probinsya

Seaman na nasawi matapos bumangga sa truck, pinagnakawan umano sa loob ng sasakyan

Iginiit din nilang wala umanong lugar sa BARMM ang naturang insidente ng pamamaril. 

"Such acts have no place in a society striving for justice, good governance, and meaningful change under the leadership of the BARMM Chief Minister Ahod B. Ebrahim," saad ng MILG-BARMM.

Samantala, nasa mabuti nang kondisyon si Samama habang patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang malaman ang motibo at nasa likod ng naturong pamamaril.