February 24, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Ogie nag-manifest kay Mayor Vico sa 2034: 'My future president!'

Ogie nag-manifest kay Mayor Vico sa 2034: 'My future president!'
Photo courtesy: Ogie Diaz (FB)/via Balita

Malayo pa man ang 2034 at hindi pa sigurado kung tatakbo sa mas mataas na posisyon, nagma-manifest na agad ang showbiz insider na si Ogie Diaz para kay Pasig City Mayor Vico Sotto.

Mababasa sa kaniyang shared Facebook post noong Linggo ng umaga, Pebrero 23, ang tungkol sa isang post na pumupuri kay Mayor Vico, na awardee ng international anti-corruption sa US.

Nakasaad naman sa post ng page na "Mahiwagang Panulat Vlog" ang kanilang papuri sa alkalde ng Pasig City, na mula naman sa post ng isang nagngangalang "Hadji Dolorfino."

"When Vico was campaigning in Pasig for his first run as mayor in 2019, mukhang kawawa ang sorties nya nun.

Tsika at Intriga

Jellie Aw, nag-update tungkol sa sapak sa kaniya ni Jam Ignacio

It was done in empty lots, side streets and parking spaces," mababasa rito.

"He was running against a Eusebio - a family who has held power in Pasig for 27 years- pasa pasa lang sila ng position.

Vico mostly just did his campaigning at the back of a small truck- using said truck as a stage- kasama nya yung candidate nya for congressman and his dad and some supporters."

"The Eusebio campaigns were all-out spectacles- complete with big stages and professional dancers and pa-raffle of appliances."

"Walang mag aakala na matatalo ni Vico ang isang Eusebio."

"But he did."

"The voters of Pasig silently just expressed their discontent towards a political dynasty through their votes...and Pasig reaped and continues to reap the rewards."

"Vico's transparent way of leading the Pasig government ensured efficiencies in how taxpayer money is spent- and his run for re-election with a full slate in 2022 solidified the honest government that he wants to establish."

"Magugulat ka sa mura ng mga cost ng mga proyekto- that's because transparent lahat ng bidding for projects- walang mga lagay lagay. Walang nakalagay na 'This is a project of Vico Sotto'- pero alam mong dahil sa kanya at sa gobyernong tapat nya kaya nakakagawa ang Pasig ng mga ganito."

"And now, 6 years into his tenure as Mayor, nakapag allocate sya ng bilyong budget para makapag-pagawa ng bagong City Hall ng Pasig- galing sa savings at efficiency measures at hindi galing sa budget ng ibang departments."

"Yan ang nagagawa kapag matalino tayo sa pagpili ng mga mamumuno sa gobyerno."

"Tama na ang pagboto sa mga alam nman nating pabigat lang at wala namang kakayahan."

"Mag isip isip naman sana tayo- para sa kinabukasn ng susunod na henerasyon."

"Gayahin sana natin ang mga taga-Pasig. Hindi pa huli ang lahat," nakasaad dito.

Ibinahagi naman ni Ogie ang post, at kinomentuhan ng "My future President!" at may hashtags na #2034 at #manifesting.

Sa comment section naman ay mababasa ang pagsang-ayon ng mga netizen.

"May dugong Connie Reyes kasi na may takot sa Diyos."

"So proud of Mayor Vico raised well by Connie with love & fear of God."

"Yan ang mayor ko and I will be more than happy to see him lead the country in the future.He’s a God fearing man and deeply rooted in his family values and in the word of God.Praying for God’s will in his life.We, the people of Pasig are so blessed to have a leader like Mayor Vico Sotto."

"I couldn't agree more!!!"

"me too!!"

"Let's protect Mayor Vico para naman hindi siya sirain ng masasamang elemento."

Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag si Mayor Vico patungkol dito.