February 24, 2025

Home BALITA Metro

'Mass walkout' balak ikasa ng PUP Student Regent para sa EDSA anniversary

'Mass walkout' balak ikasa ng PUP Student Regent para sa EDSA anniversary
Photo courtesy: Manila Bulletin file photo

Nanawagan ng student "mass walkout" ang Office of the Student Regent ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) para sa paggunita ng ika-39 anibersaryo ng EDSA People Power I Revolution.

Ayon sa Facebook post ni Kim Modelo, isa sa mga bumubuo ng ng naturang Student Regent sa PUP, noong Linggo, Pebrero 24, 2025, tahasan niyang iginiit na ang EDSA ay isa umanong protesta, may klase man o wala. 

"Protesta ang EDSA, at may klase man o wala, lalabas ang mga estudyante upang singilin si Marcos, Jr. sa patuloy na paghihirap ng mga Pilipino," saad ni Modelo.

Iginiit din niya ang ilan sa mga panawagang bitbit umano ng hanay ng mga kabataan na mula sa pamantasan ay lalabas sa lansangan patungong EDSA Shrine sa Quezon City. 

Metro

Hinihinalang mga suspek sa natagpuang 'chinop-chop' sa Caloocan, magkakamag-anak?

"Mataas na presyo ng mga pangunahing bilihin at basekong serbisyo, panagutin si Rodrigo Duterte sa mga buhay na kinitil niya sa ilalim ng drug war, at i-convict si Sara sa kaniyang impeachment cases mula sa harap-harapang pagtratraydor sa mamamayan," saad ni Modelo. 

Matatandaang Oktubre 2024 nang ilabas ng Malacañang ang listahan ng mga holiday sa bansa ngayong 2025 kung saan hindi nila idineklarang special non working holiday ang Pebrero 25.

KAUGNAY NA BALITA: ALAMIN: Listahan ng mga holiday para sa 2025

Kaugnay nito, ilang mga paaralan naman ang nauna nang magdeklara ng kanselasyon ng klase sa Martes, Pebrero 25, upang ipakita ang kanila raw pakikiisa sa paggunita ng diwa ng EDSA People Power I.

KAUGNAY NA BALITA: Ilang mga paaralan, nagdeklara ng kanselasyon ng klase para sa EDSA anniversary