Umalma ang vlogger na si Jeraldine Blackman sa mga komentong "for content" lang ang hiwalayan nilang mag-asawa.
Matatandaang noong Biyernes, Pebrero 21, nang inanunyo ni Jeraldine ang hiwalayan nila ng kaniyang mister na si Josh Blackman.
"Josh and I have separated. We're good friends. I just know that he is a good person and he is the best father that Jette and Nimo could ever have."
BASAHIN: Jeraldine at Josh ng Blackman family, hiwalay na!
Samantala, sa isang Facebook post ng page na "Truth Slaps" noong Sabado, Pebrero 22, ipinost nila ang screenshots ng mga komento ng dalawang netizen na nagsasabing "content" at "prank" lang ang nasabing hiwalay ng Blackman couple.
Ayon sa isang netizen, "Good job prank Ate Den. Separate lang sila ng titirahan kasi titira si John sa ibang lugar na haha love it!"
Saad naman ng isa, "Kapitbahay ko siya. Sinabi niya sa akin, 'Pag tahimik ang social media, kailangan mag-ingay! lol."

Nag-komento naman si Jeraldine noong Linggo, Pebrero 23 gamit ang kanilang Facebook page na "The Blackman Family."
Aniya, "Don’t believe anything you hear from any other source. We would never disrespect our fans like this. We only want to be open and honest about our relationship because we felt our fans deserved to know."

Nagpaabot naman ng suporta ang ilang netizen sa Blackman Family. Anila, sana raw ay maayos pa ng mag-asawa ang kanilang relasyon.
"I am hoping na sana inaayos nyo pa dahil ang word na gamit mo ay separated. I have Aussie and American uncles at alam kong pag ayaw na nagdi divorced na. Sana lang pag nagka ayos kayo ay dahil love nyo pa ang isa't isa at hindi dahil just for the sake of the kids. Kung ano man ang desisyon nyo ay dapat lang irespeto dahil family nyo yan. Don't mind what other people are saying walang say dapat ang ibang tao dahil pamilya nyo yan at kayo ang nakaka alam what's best for you most especially for the kids. God bless."
"yusin nyo lattan idol in private iti Problema yu Madi gamin nga amin ket agpaysu dtuy social media solid follower's Dak pay met garud ngem dapat agijay dad duma kuma met ket maiprivate mo ma'am Jeraldine gamin naexpose launay agita annak mun isuda metlang kakaasi mabash isu saan amin ket eflex just my thought lang met Godblessed . Praying na maayos nyo Family Prob nyo in private Ng Dina sinasabi at iniiyak lahat sa Socmed"
"no need to explain, take ur time po. andto lng kmi, tahimik na mag aantay at susuporta sainyo."
"Well actually we are really hoping it's just a prank. Na you will surprise us. And show us the better version of Blackman family. But if not I hope you and Josh can fix this and be that Blackman family 2.0 version. Better version of family you know that cliche "Love is sweeter the 2nd time around""
"sana maging ok na kayo ni Josh. Para laging happy si Nimo and Jette. Take care."