February 24, 2025

Home BALITA Metro

Hinihinalang mga suspek sa natagpuang 'chinop-chop' sa Caloocan, magkakamag-anak?

Hinihinalang mga suspek sa natagpuang 'chinop-chop' sa Caloocan, magkakamag-anak?
Photo courtesy: Pexels

Tinatayang nasa dalawa hanggang tatlong persons of interest ang tinitingnan ng Caloocan City Police na pumatay sa isang 37-anyos na lalaki na miyembro rin ng LGBTQIA+ community.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News nitong Lunes, Pebrero 24, 2025, patuloy umanong tinutunton ng mga awtoridad ang kinaroroonan ng naturang mga persons of interest.

"Continuous ang follow up operation ng Caloocan Police para mahanap ang whereabouts ng persons of interest. May mga statement na naman tayo na nakuha base doon sa relative ng suspek o person of interest," saad ni PCpt. Nelson Dizon sa panayam sa kaniya ng media. 

Batay sa salaysay ng ilang testigo, huling nasilayang buhay ang biktima na nakipag-inuman pa raw sa ngayo'y nagtatagong tattoo artist. 

Metro

'Mass walkout' balak ikasa ng PUP Student Regent para sa EDSA anniversary

Matatandaang noong Pebrero 21 nang matagpuan ang bangkay ng biktima na halos naaagnas na at putol ang ilang bahagi ng katawan sa loob ng bahay ng isa umanong tattoo artist. 

KAUGNAY NA BALITA: Lalaking nawawala, natagpuang naaagnas na; hinihinalang chinop-chop?

Base sa imbestigasyon, bukod sa binti ng biktima na natagpuan sa loob ng isang ice cooler, putol din umano ang mga paa nito at nagtamo rin siya ng mga saksak sa likod at nilaslas ang leeg.