April 03, 2025

Home BALITA Eleksyon

Ex-VP Leni, inendorso si Chel Diokno: ‘Kailangan natin ng may paninindigan!’

Ex-VP Leni, inendorso si Chel Diokno: ‘Kailangan natin ng may paninindigan!’
Courtesy: Akbayan/X screengrab

Sa kaniyang pag-endorso kay Akbayan first nominee at human rights lawyer Atty. Chel Diokno, iginiit ni dating Vice President Leni Robredo na kinakailangan ng bansang magluklok sa Kongreso ng mga kandidatong hindi “magigiba ang prinsipyo at may paninindigan.”

Base sa isang video na inilabas ng Akbayan nitong Linggo, Pebrero 23, binanggit ni Robredo ang ilang mga credential ni Diokno tulad ng pagiging pinuno nito ng Free Legal Assistance Group at pagbibigay ng serbisyong legal.

“Haligi ng karapatang-pantao, pinuno ng Free Legal Assistance Group, nagbibigay ng libreng serbisyong legal sa ating mga kababayan, Atty. Chel Diokno,” ani Robredo.

“Kailangan natin ng mahusay na abogado, hindi magigiba ang prinsipyo at may paninindigan. Tapat at maaasahan ninyo, at sisiguruhing ang serbisyong legal ay mabibigay sa ating mga kababayan. Ipanalo natin si Atty. Chel Diokno,” saad pa niya.

Eleksyon

Torreon, iba pang abogado nagsumite ng petisyon laban sa ‘online voting’ sa eleksyon

Kasalukuyang tumatakbo si Diokno bilang first nominee ng Akbayan Partylist sa 2025 midterm elections na inaasahang gaganapin sa Mayo 12, 2025.