Kinumpirma ng Our Lady of Perpetual Succor College (OLOPSC) ang pagkamatay ng isa sa kanilang mga estudyante noong Pebrero 22.
Sa Facebook post ng paaralan noong Linggo, Pebrero 23, naglalaro umano ng basketball ang estudyante nilang si Shann Mikhail Eustaquio nang biglang mag-collapse ang huli.
“Shann Mikhail Eustaquio was playing basketball during our yearly Senior High School Mini-Olympics when he suddenly collapsed. Despite the urgent response from our experienced emergency medical responders prior to the arrival of the ambulance, unfortunately Shann expired at the hospital at around 11:06 AM,” saad ng OLOPSC.
“We grieve for the loss of our beloved Shann and extend our sincerest condolences to his bereaved family,” pagpapatuloy nila. “Shann is one cheerful and friendly student who always beamed his sweetest smile to anyone in the community. We will surely miss him.”
Bukod dito, inihayag din ng paaralan na magbibigay raw sila ng pinansyal at emosyunal na tulong sa pamilya ni Shann.
Gayundin, nakatakda ring isagawa ang stress debriefing at grief counseling para sa mga nakasaksi ng insidente.
Sinuspinde naman ng paaralan ang mga klase ngayong araw, Pebrero 24, bilang tanda ng respeto kay Shann at sa pamilya nito.