Inihayag ni Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) chief Police Major General Nicolas Torre III na handa umano siyang tumestigo sa magiging impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte, kung sakaling ipatawag siya para sa nasabing pagdinig.
Sa panayam ng media kay Torre noong Linggo, Pebrero 23, 2025, iginiit niyang nakahanda siyang tumestigo sa korte kung sakali umanong kailanganing hingin ang panig ng CIDG.
"Sa ngayon, let me not put the cart before the horse because ang mga investigation against kay VP Sara ay joint palagi na ginagawa ng NBI at saka ng PNP CIDG under the offices of the DOJ. Depende sa kung ano ang magiging pananaw ng DOJ at saka ng mga prosecution panel kung kailangan nila ang testimony namin," ani Torre.
Paglilinaw pa niya, "Pero syempre 'pag pinatawag kami, at bilang CIDG chief, 'pag pinatawag ako to testify on the matters that I've investigated, obviously I have no other course but to appear in the impeachment court kung kinakailangan," anad CIDG chief.
Matatandaang nahaharap sa patong-patong na kaso si VP Sara katulad ng violation of the constitution, betrayal of public trust, graft and corruption at iba pa.
Samantala, kaugnay naman ng tuluyang pag-usad ng impeachment laban sa Pangalawang Pangulo, nauna nang linawin ni Senate President Chiz Escudero na hindi umano kailangang madaliin at ituring na espesyal ang naturang impeachment at iginiit na uumpisahan daw ito pagkatapos ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.
KAUGNAY NA BALITA: SP Chiz, iginiit na 'di pwedeng madaliin impeachment trial vs VP Sara
KAUGNAY NA BALITA: Impeachment trial kay VP Sara, sisimulan pagkatapos ng SONA – SP Chiz