February 24, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Baron Geisler, kakasuhan mga nagpakalat ng fake news tungkol sa kaniya?

Baron Geisler, kakasuhan mga nagpakalat ng fake news tungkol sa kaniya?
Photo courtesy: via Balita

Mukhang nanginginig na ang ilang news outlets na nagbalita at nagpakalat ng mga maling impormasyon tungkol kay "Incognito" star Baron Geisler.

Inalmahan kasi ng aktor ang mga kumakalat na ulat patungkol sa kaniya ng iba't ibang news outlets, Lunes, Pebrero 24.

Mababasa sa kaniyang Facebook post, "Breaking my silence."

"There’s a lot of misinformation circulating, especially from news outlets that failed to verify the facts before reporting."

Tsika at Intriga

Carlos Agassi, may sama ba ng loob sa dating grupong The Hunks?

"Irresponsible journalism has blown things out of proportion, creating unnecessary confusion. I want to make it clear—I’m okay, and I’m seeking legal advice to address this properly."

"To those who continue to stand by me, thank you. Your support means everything," aniya pa.

Kumalat ang iba't ibang balita patungkol sa umano'y pagkakadakip sa kaniya matapos daw magdulot ng gulo dahil sa labis na kalasingan habang nasa isang bar sa Mandaue City, Cebu. Nilabag umano ni Baron ang Mandaue City Ordinance No. 11-2008-434 o patungkol sa Severe Intoxication.

Lumalabas pa sa mga ulat na nakapagpiyansa raw agad ang aktor kaya nakalaya rin.

Bago ang aktuwal na balita ay kumalat pa ang umano'y mugshot niya kaugnay nito.

Ngunit sa post ni Baron, mukhang may nais siyang linawin patungkol sa mga naglalabasang ulat na ito.

Kung nagkaroon man ng isyu noon kay Baron tungkol sa pag-inom ng alak, ay matagal na niyang sinabing nagbago na siya. 

MAKI-BALITA: 'Breaking my silence!' Baron Geisler pumalag sa mga ulat laban sa kaniya

Samantala, bukas ang Balita sa kaniyang panig.