February 24, 2025

Home BALITA National

69% ng mga Pilipino, suportado ang AKAPOCTA Research

69% ng mga Pilipino, suportado ang AKAP<b>—</b>OCTA Research
Photo courtesy: DSWD/website

Tinatayang nasa 69% umano ng mga Pilipino ang naniniwalang dapat pang ituloy ng pamahalaan ang Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP) batay sa inilabas na survey result ng OCTA Research na isinagawa mula noong Enero 25 hanggang 31, 2025. 

Tinatayang 7 sa bawat 10 Pinoy o katumbas ng 69% ang naniniwalang ituloy ang nasabing kontrobersyal na programa sa ilalim ng Department of Social Welfare Development (DSWD). 

Naitala rin sa Luzon ang may pinakamalaking porsyento ng pagsuporta sa nasabing programa na may 74% habang nasa Visayas namana ang may pinakamababa na may 63%.

Hinggil naman sa pagpapalawig pa ng AKAP,  naitala naman sa rehiyon ng MIMAROPA ang may pinakamataas na bilang ng pagsuporta dito kung saan 100% ng respondents ang nagsasabing pabor sila sa AKAP expansion. 

National

Jay Ruiz, nanumpa na bilang PCO chief; nangakong lalabanan ang ‘fake news’

Pormal na inilunsad sa buong bansa ang nasabing programa noong Mayo 18, 2024. Batay sa DSWD, inilunsad ang AKAP upang tugunan daw ang maliit na kita ng mga “minimum wage earners” kasunod ng patuloy umanong pagtaas ng inflation sa bansa. 

KAUGNAY NA BALITA: ALAMIN: Ano nga ba ang AKAP at sino ang mga benepisyaryo nito?

Matatandaang inulan ng kontrobersiya ang AKAP matapos itong makakuha ng ₱26 bilyong pondo sa 2025 national budget at ikinumpara ng ilang mambabatas sa zero subsidy para sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth). 

KAUGNAY NA BALITA: 4Ps at AICS, dapat pinagtuunan ng pansin kaysa AKAP—Sen. Pimentel