February 23, 2025

Home FEATURES

Tortang talong, pumangalawa sa ‘50 best egg dishes in the world’

Tortang talong, pumangalawa sa ‘50 best egg dishes in the world’
Courtesy: TasteAtlas/website

Hindi nagpatalo ang “nakakatakam” na Pinoy food “tortang talong” sa listahan ng online food guide na TasteAtlas matapos itong pumangalawa sa kanilang listahan ng “50 best egg dishes in the world.”

Base sa Facebook post ng TasteAtlas, inihayag nitong nakakuha ang tortang talong ng 4.4 score, dahilan kaya’t naging top 2 ito sa kanilang listahan.

Pagdating naman sa kanilang website, inilarawan ng kilalang food guide ang tortang talong bilang isang “simple Filipino dish” na kumbinasyon ng inihaw na talong at binatil na itlog.

“Whole eggplants are dipped into the egg mixture and are then shortly pan-fried until the entire dish starts to resemble a crispy omelet,” anang TasteAtlas.

Human-Interest

'Magkano po semento latte?' Hardware-themed coffee shop, patok sa netizens

Ayon pa sa food guide, karaniwang inihahain ang tortang talong kasama ang kanin at kamatis o ketchup, at pasok ito sa kahit anong oras, agahan man, tanghalian o hapunan.

“This versatile delicacy is easily adapted with additional ingredients such as ground meat and vegetables, and it is traditionally served accompanied by steamed rice and tomato or banana ketchup,” saad ng TasteAtlas.

“Inexpensive and quickly prepared, tortang talong can be enjoyed at any time of day as a hearty breakfast, lunch, or dinner,” dagdag pa nito.