Tinawag ng Malacañang na “baseless” at “ridiculous” ang naging pahayag ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na patungo umano sa pagiging “diktador” si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Sa isang pahayag nitong Linggo, Pebrero 23, sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin na isa na naman daw “budol” ang naging pahayag ng dating pangulo.
“We treat the former president's baseless and ridiculous statements in the same way that Filipinos are dismissive of them: a tall tale from a man prone to lying and to inventing hoaxes.
“This hoax is another budol emerging from a one-man fake-news factory,” ani Bersamin.
Iginiit din ni Bersamin na hindi umano magba-backslide ang administrasyon Marcos sa mapang-aping paraan ng “nakaraang administrasyon,” kung saan nakukulong daw ang mga kritiko sa mga gawa-gawang kaso at ipinag-uutos pa ang pagpatay.
“As our actions have consistently demonstrated, we will stay the course in upholding the Constitution, in adhering to the rule of law, and in respecting the rights of the people. We will not backslide into the oppressive ways of the previous administration, when critics were jailed upon trumped-up charges and when kill orders were publicly issued with glee and obeyed blindly,” giit ni Bersamin.
“It is the leader of that troubled past who is depicting us as veering toward a system where anyone can be deprived of life, liberty, and property without due process of law, as many had been on his mere say-so as a tyrant who did not respect the rights of the people,” saad pa niya.
Matatandaang sa Cebu People's Indignation Rally sa Mandaue City, Cebu nitong Sabado, Pebrero 22, iginiit ni FPRRD na patungo umano sa diktadurya si PBBM at hindi siya bababa sa kaniyang puwesto pagkatapos ng kaniyang termino.