Napilitang mag-emergency landing ang isang passenger plane sa Brazil matapos umanong tamaan ng ibon at mabutas ang unahang bahagi ng eroplano.
Ayon sa ilang ulat ng international news outlets, tinamaan ng ibon ang isang eroplano ng LATAM Airline matapos ang pag-take off nito sa Galeao Airport sa Rio de Janeiro sa Brazil.
Wala namang naiulat na nasaktan sa mula sa 200 pasaherong sakay ng nasabing airline.
Ayon sa isang LinkedIn post ng CEOng LATAM Airline na si Jerome Cadier, nayupi at nabutas ang naturang eroplano, dahilan upang ikansela na ang dapat sana'y flight nito papuntang Sao Paulo.
Naglabas din ng pagkadismaya si Cadier at iginiit kung sino nga ba ang dapat umanong magbayad sa danyos ng na-delay na flight bunsod ng bird strike sa Brazil.
"Now there is just another bird strike (called "bird strike" in aviation).
The aircraft returned safely but obviously the flight was canceled, disrupting the lives of all passengers, and obviously the airline as well," ani Cadier.
Dagdag pa niya, "I can bet you that the first lawsuit against the airline, asking for compensation for moral damage for cancellation of this flight will arrive tomorrow... And so Brazilian aviation continues... The question is, who pays the bill?”