Ipinag-utos ng Department of Health (DOH) ang muling pagbubukas ng mga dengue fast lanes sa lahat ng government hospital sa bansa, kasunod ng patuloy na pagtaas ng kaso ng dengue cases.
“All government hospitals and health facilities have been directed to reactivate their dengue fast lanes to ensure expedited triage, diagnosis and treatment of suspected dengue cases,” anang DOH sa inilabas nilang pahayag kamakailan.
Batay sa kasalukuyang tala ng naturang ahensya, tinatayang nasa 43,732 dengue cases na ang naiulat mula Enero 1, 2025 hanggang Pebrero 15. Mas mataas ng 56% mula sa 27,995 cases noong 2024 sa kaparehong mga buwan.
Karamihan din umano ng mga kaso ay nagmula sa Calabarzon na may 9,113 cases. Sinundan ito ng National Capital Region (NCR) na may 7,551 cases at Central Luzon na may 7,362.
Nananatiling pawang nasa edad 10 hanggang 14 taong gulang ang kalimitang tinatamaan ng dengue sa bansa.