Pinuri ng mga kongresista si Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Chief Gen. Nicolas Torre III dahil sa naging pagtindig umano nito kontra sa “fake news” matapos nitong sampahan ng reklamo ang Diehard Duterte Supporter (DDS) blogger na si Ernest Jun Abines.
Sinabi ito nina Surigao del Norte 2nd district Rep. Robert Ace Barbers, Manila 6th district Rep. Bienvenido Abante, Lanao del Sur 1st district Rep. Zia Alonto Adiong, La Union 1st district Rep. Paolo Ortega V, at Zambales 1st district Rep. Jay Khonghun sa isang joint statement nitong Linggo, Pebrero 23, na inulat ng Manila Bulletin.
“In today’s digital age, truth matters more than ever. We commend the CIDG chief for his commitment to upholding facts and holding accountable those who deliberately mislead the public,” anang ranking solons.
Binigyang-diin din ng mga mambabatas—na karamihan ay active participants sa imbestigasyon ng House tri-committee (tri-comm) ukol sa pagpapakalat ng fake news sa social media—na dapat mapanagot ang mga nagpapakalat ng mga maling impormasyon.
“Fake news is a serious threat to our society. It misleads people, distorts public discourse and even puts lives at risk. Those who spread false information should be held responsible for the damage they cause, whether to private individuals, public servants or the Filipino people as a whole,” anang House leaders.
“In this new era of governance, those who break the law are not silenced or killed. There are no extrajudicial killings here. Instead, we hold them accountable through the legal process,” dagdag pa.
Matatandaang kamakailan lamang nang sampahan ng kasong cyber libel ni Torre si Abines dahil sa pagpapakalat daw nitong na naospital siya.
MAKI-BALITA: CIDG chief Nicolas Torre III, pinatutsadahan si Ernest Abines matapos ang search warrant
KAUGNAY NA BALITA: Ernest Abines kay CIDG chief Torre: ‘Pwede mo akong mapatay, pero ‘di mo ako mapapatahimik!’