February 23, 2025

Home BALITA Internasyonal

Chinese researchers, may natuklasang bagong coronavirus mula sa paniki

Chinese researchers, may natuklasang bagong coronavirus mula sa paniki
Photo courtesy: Pexels

Isang bagong coronavirus umano mula sa paniki ang natuklasan ng mga Chinese researcher na maihahalintulad daw sa SARS-CoV-2 virus na naging dahilan ng Covid-19, ayon sa mga ulat.

Sinasabing ang nabanggit na HKU5-CoV-2 na bat virus ay naglalaman ng furin cleavage site na maaari daw pasukin ang human cells, batay sa kanilang laboratory experiment.

Sa kabila ng "stronger binding ability" ng HKU5-CoV-2 kung ihahambing sa original strain na may mas malawak daw na hanay ng mga host, mababa naman daw ang posibilidad ng paglipat nito sa tao kumpara sa SARS-CoV-2 na nagdulot ng Covid-19 at naging pandemya.

Wala pang opisyal na pahayag tungkol dito ang World Health Organization (WHO) maging ang Department of Health (DOH) tungkol sa mga naglalabasang ulat na ito, kaya wala pa raw dapat ipangamba ang publiko.

Internasyonal

Eroplano sa Brazil, tinamaan ng ibon; nabutas!