February 22, 2025

Home BALITA Eleksyon

Willie Revillame sa mga nagsasabing wala siyang alam: ‘Wala akong alam na magnakaw!’

Willie Revillame sa mga nagsasabing wala siyang alam: ‘Wala akong alam na magnakaw!’
Willie Revillame (Photo: Richielyn Canlas/MB)

Sinagot ni TV host Willie Revillame ang mga nagsasabi raw na wala siyang alam para tumakbo bilang senador ng bansa sa 2025 midterm elections.

Sa isang press conference nitong Biyernes Pebrero 21, sinabi ni Revillame na bilang isang host ng daily show ay 27 taon raw siyang nakikinig sa hinaing ng mga Pilipino, at ito raw ang dahilan niya kaya’t napagdesisyunan niyang tumakbo bilang senador.

“Sabi nga nila wala nga daw akong alam. Tama naman sila lahat eh, wala akong alam na mang-api ng kapwa ko. Wala akong alam na mang-isa ng bawat Pilipino. Wala akong alam na magnakaw,” ani Revillame.

“Ang alam ko lang ay makagawa ng kabutihan sa mga nangangailangan nating kababayan, which is ilang presidente na ang dumaan, ilang senador, ilang mayor, ilang congressman, eh 27 years na akong nakikinig sa mahihirap eh. 

Eleksyon

PCG, hinikayat publikong bumoto ng mga kandidatong titindig para sa WPS

“Alam ko yung damdamin nila at galing din ako sa ganoong buhay,” saad pa niya.

Samantala, sinabi rin ng TV host na ang susunod na eleksyon na raw ang tingin niyang tamang panahong upang tumakbo siya para sa Senado.

“I think this is the right time for me, ito ang tamang panahon na para magawa ko na yung gusto kong pagtulong sa lahat. Not just inside the studio, hindi lang pagbibigay ng jacket, pagbibigay ng cellphone, ₱10,000, ₱20,000. Ito mas kailangan na ng mas malawak na pagtulong sa ating mga kababayan,” aniya.

Tumatakbo si Revillame na senador sa 2025 midterm elections bilang isang independent candidate.