“Another Peke News from Team Imbustero Saltik Sayad Brain…”
Inalmahan ni House Majority Leader at Zamboanga City 2nd district Rep. Manuel Jose “Mannix” Dalipe ang “fake news” na kumakalat sa social media na hiniling umano ng Ombudsman na suspendihin siya dahil sa umano’y pag-falsify sa 2025 national budget.
Sa isang Facebook post nitong Biyernes, Pebrero 21, ibinahagi ni Dalipe ang screenshot ng isang post kung saan nakasaad ditong hiniling daw ng Ombudsman ang pagsuspinde sa kaniya at sa tatlo pang kapwa niya kongresista.
“Another Peke News from Team Imbustero Saltik Sayad Brain. Fact Check: The Office of the Ombudsman never Requested that Mannix Dalipe get suspended,” giit ni Dalipe.
Hinamon din ng kongresista ang kaniya raw mga kalaban sa politika na patunayang hiniling nga ng opisina ng Ombudsman na masuspinde siya.
“I challenge my political detractors and opponents to prove that the Office of the Ombudsman requested that I get suspended. Or else withdraw from the political race, Zamboanga City does not deserve LIARS and Illegal Drug Smugglers,” ani Dalipe.
“As the saying goes: ‘Once a Liar, always a liar.’ ‘No to Imbustero’,” saad pa niya.
Sa isang Facebook post ay pinabulaanan din ng House of Representatives Factcheck ang naturang post.
“No suspension request specifically targeting Congressman Dalipe has been made by the Ombudsman. Don't fall for fake news! Verify information from trusted sources like the HOR Fact-Check official social media accounts,” saad ng HOR.
Matatandaang ihain ng kaalyado ng mga Duterte ang isang mosyon na suspendihin sina Dalipe, House Speaker Martin Romualdez at iba pang mambabatas na may kaugnayan umano sa anomalya ng kontrobersyal na Bicam report ng 2025 national budget.
KAUGNAY NA BALITA: Panawagang isuspinde si HS Romualdez, pinalagan ni Rep. Dalipe: 'Desperate attempt...'