Pinagmulan ng diskusyon sa online world ang screenshot ng isang post mula sa isang anonymous netizen matapos niyang ibahagi ang ginawa niya sa isang nanlilimos na Badjao.
May pamagat ang kaniyang post na "Sinampal ko yung Badjao."
Mababasa sa kaniyang post, sumakay raw ang netizen sa isang tricycle at bigla na lamang daw sumulpot ang isang Badjao na nanghihingi ng limos. Bago siya, isang babaeng kapwa pasahero na katabi niya ang sinubukan munang limusan ng Badjao subalit nang tumanggi ito ay hinila raw ang buhok. Hindi raw natinag ang pasahero.
Nang siya naman ang lapitan at sinabi niyang "Wala," nakita niyang umakma ang Badjao na duraan siya, subalit bago pa mangyari iyon, ay umigkas na ang kamay niya para sampalin ito (ngunit hindi naman daw malakas).
Nang duduraan pa ulit siya, sa pagkakataong ito ay hinila na raw niya ang buhok ng Badjao hanggang sa umandar na ang tricycle. Nang medyo nakalayo na ang sasakyan, nag-dirty finger daw siya sa Badjao na noon naman ay umiyak na. Ang kapwa pasahero naman niyang naunang hiningan ay tila na-shock daw sa ginawa niya.
"Ewan ko kung naguilty ako that time. Pinapakiramdaman ko ang emotions ko, pero wala eh. Sobrang nakakainis na dumadami na naman ang Badjao sa lugar namin, eh wala naman dati," aniya.
Sa mga sumunod na araw daw ay nakita niya ulit ang nasampal na Badjao subalit hindi na ito nanghingi sa kaniya, subalit nag-dirty finger naman.
Giit pa ng netizen, gusto sana niyang maawa sa kanila subalit nananaig ang inis niya.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.
"Minsan nakakapikon na rin talaga at imposible na mag take ng 'moral high ground' palagi. Tao lang tayo. Pero it's still best to stay calm sa ganitong situations, baka mamaya magtawag ng kasama o mas malala pa sa dura ang gawin sayo next time. not saying you shouldn't assert yourself pero feeling ko kung mahinang slap, proportionate pa naman sa gagawing dura sa kanya."
"Kasamahan ko sa work dati, hiningan ng badjao, binigyan niya ng dalawang piso, tinapon sa mukha niya, ayon nagalit, hinampas ng payong ang badjao, malakas din yung pagka hampas siguro 9 ang pain level nun."
"Satisfying."
"Nkaka bwisit tlaga cla minsan kaya wag ntin pamihasain .. knina nka kita ako matandang lalaki nainom ng buko juice biglang hinablot ng badjao ung iniinom nia walang nagawa ung lalaki abot tanaw nlng"
"Sabi nga nila, magbigay sa tamang paraan, hindi sa daan. May mga program government para sa kanila like DSWD binibigyan ng livelihood programs pero tmatakas yan sila, mas gusto yung bigay lang di na pinaghihirapan. Kaya never na ulit ako nagbibigay sa mga yan. Mga bata ang nanglilimos makikita mo mga magulang nagiinuman lang. Ginagamit pa mga sanggol para kaawaan. Never again."
"Ang satisfying hahaha. Ako kase sa utak ko lang sila nabubogbog."
"Sana may gawin ang gobyerno para sa mga ganiyang Badjao, masyadong namimihasa at nakakapaminsala na rin sila."
"Actually i cannot say that she did right but i cannot blame her for her actions. Minsan kz pag hindi ka pumalag subra din tlga to the point ikaw ang maagrabyado at masasaktan and what if mas subra at malala ang gwin sayu would you accept na okay lng at palagpasin lang juat because they are exemptem for the sake of humanity? Just like what i said i dont really that she did that right thing but that is just she respince to the situation."
"Yung classmate ko sumakay ng PUB sa may bandang bintana sya, nakaearphones at nakapikit, mejo masama pakiramdam. Nagulat nlng sya sinapak sya ng badjao, na shock classmate ko to the point na iniisip pa nya ano nangyari. Yung badjao patakbong bumaba. Biglaan ang nangyare na ung konduktor hnd napansin. Ako ung G na G. Kainis tlga. Yung iba may baong bato or panghampas."
---
Disclaimer: Bagama’t ang kuwentong ito ay inaako ng may-akda na mula umano sa tunay na pangyayari, hindi maaaring kumpirmahin o itanggi ng Balita ang katotohanan sa mga detalye at impormasyong nakasaad dito.