February 23, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Matapos humingi ng tawad kay Jellie Aw: Jam Ignacio, nagpunta na sa NBI

Matapos humingi ng tawad kay Jellie Aw: Jam Ignacio, nagpunta na sa NBI
Photo courtesy: Screenshot from GMA Integrated News (IG)

Nagkaharap na ang negosyanteng si Jam Ignacio at National Bureau of Investigation (NBI) Director Jaime Santiago sa tanggapan ng kawanihan, kaugnay ng reklamong pananakit sa kaniyang fiancée na si Jellie Aw.

MAKI-BALITA: Jellie Aw, isiniwalat dahilan ng pambubugbog sa kaniya ni Jam Ignacio

Matatandaang sa eksklusibong panayam ng GMA Integrated News kay Ignacio kamakailan, sinabi niyang nais pa rin daw niyang matuloy ang pagpapakasal nila ng kasintahan. Aniya, hindi raw siya nagtatago sa mga awtoridad at naghintay lamang ng tamang panahon para magsalita.

Pinagsisisihan daw niya ang nagawa sa kaniyang pakakasalan at humingi ng tawad kay Jellie.

Tsika at Intriga

Kaila Estrada, tinutukso kay Daniel Padilla?

"Sa mga kapatid, sa mga kaibigan, heto, heto ako, haharap sa inyo, humaharap na humihingi ng taos-pusong sorry, sorry, sobrang sorry lalo na sa family ni Jellie, Ma, sorry Ma. Alam niya na mahal na mahal ko si Jellie," aniya.

Paliwanag ni Jam, nagsimula raw ang insidente dahil sa kanilang hindi pagkakaunawaan, dinagdagan pa raw ng pagod sa maghapon nilang lakad nang araw na iyon.

"Sa simpleng 'di pagkakaunawaan, siguro may halo na rin sigurong pagod sa maghapon na lakad namin, kumbaga, tao lang din siguro ako, kumbaga, napuno lang din siguro ako, na hindi ko sinasabi na tama, pero hindi ko para i-tolerate na gawin ulit. Humihingi ako ng tawad, pasensya na talaga..." aniya.

MAKI-BALITA: Jam Ignacio nag-sorry kay Jellie Aw, gusto pang makasal sila

Ngunit tugon naman ni Jellie, “Wala na pong kasal na magaganap o matutuloy. Hindi na po matutuloy ‘yong mga pinag-usapan namin dahil po sa nangyari.”

“Pero itutuloy ko pa rin po ‘yong kaso. Hindi po pwedeng napuno lang siya, e. Pa’no po ‘pag pinagbigyan ko pa po siya ng second chance? Pa’no pag napuno ulit siya sa akin? Gagawin niya ulit ‘yon?" paliwanag ni Jellie.

MAKI-BALITA: Jellie Aw, hindi na magpapakasal kay Jam Ignacio

Samantala, sa ulat ng GMA Integrated News ay makikitang nag-usap na sina Ignacio at Santiago kaugnay pa rin sa reklamo.