February 23, 2025

Home BALITA Internasyonal

Lalaking inoperahan sa panga dahil sa 'malignant tumor,' maling pasyente raw?

Lalaking inoperahan sa panga dahil sa 'malignant tumor,' maling pasyente raw?
Photo courtesy: Pexels

Isang lalaki mula sa Italy ang sumailalim sa jaw operation at muntik nang mag-chemotherapy matapos umanong mapagpalit ang kaniyang medical records at i-diagnose na may malignant tumor.

Ayon sa ulat ng ilang international media outlet kamakailan, sumailalim sa biopsy ang biktima sa Umberto I Dental Clinic. Matapos nito ay napag-alaman umanong may malignant tumor ang lalaki na kinailangang tanggalin at operahan sa kaniyang panga. Inirekomenda rin umano ng nasabing clinic na sumailalim siya sa chemotherapy.

Nagkaroon lang ng suspetsa ang biktima, ilang buwan matapos ang operasyon nang ideklarang wala na raw banta sa kaniyang kalusugan ang nasabing tumor. 

Bunsod nito, napilitang magpa-second opinion ang lalaki kung saan nadiskubre niyang wala talaga siyang malignant tumor at hindi kailangang sumailalim sa operasyon.

Internasyonal

'Deadliest wildlife accident sa Sri Lanka:' 6 na elepante, patay matapos masagasaan ng tren

Naghain na ng pormal na reklamo ang biktima kung saan napag-alamang napagpalit ng staff ng Umberto I Dental Clinic ang kaniyang medical records sa isa pang pasyente na siyang may totoong diagnosis ng nasabing tumor. 

Kasalukuyan ng nasa Rome Prosecutor's Office ang inihaing kaso ng biktima.