February 23, 2025

Home BALITA National

Isang grupo, isinusulong na idagdag ang isyu ng West Philippine Sea sa curriculum

Isang grupo, isinusulong na idagdag ang isyu ng West Philippine Sea sa curriculum
Photo courtesy: Philippine Coast Guard

Iminungkahi ng Atin Ito coalition na maisama umano sa education curriculum ng bansa ang sigalot sa West Philippine Sea.

Sa panayam, ng TeleRadyo Serbisyo kay Ed dela Torre, Atin Ito co-convenor nitong Sabado, Pebrero 22, 2025, iginiit niya na hindi raw sapat na magkaroon lang ng emosyon ang mga Pilipino hinggil sa isyu ng mga karagatang sakop ng bansa sa WPS.

"Nakita natin ang kahalagahan ng edukasyon. Dapat may emosyon, pero mas mahalaga may kalinawan, may malalim na pag-unawa, karapatan natin ito. Kaya panawagan natin sa gobyerno ay isama na natin sa edukasyon mula pa sa kabataan," ani Dela Torre. 

Iginiit din ni Dela Torre ang pambu-bully na dinadanas ng bansa sa sarili nitong teritoryo, laban sa pang-aangkin ng China.

National

Chel Diokno, nakiisa sa paggunita ng EDSA anniv: 'Buhay ang EDSA!'

"Napakahalaga ng karagatan, hindi lang yung tinatawag nating territorial waters na 12 kilometro mula sa pampang, kundi yung 200 kilometers na tayo ay may exclusive rights. Dati parang hindi pinapansin, pero dahil nga sa pambu-bully na ginagawa ng China sa atin, biglang tumindi, naging emotional," saad ni Dela Torre. 

Matatandaang kaisa ng Atin Ito coalition ang Akbayan Party-list sa pagsusulong ng panawagang isama sa curriculum ang isyung kinakaharap ng bansa sa WPS. 

Humiling na rin si Akbayan president Rafaela David kay Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. na maglabas umano ng isang executive order na magtatakda na ma-institutionalize ang mandatong magsasaad ng pagtuturo ng history, geography at legality of the West Philippine Sea sa lahat ng antas.