Naglabas ng sama ng loob ang transwoman actress na si Hunter Schafer sa administrasyon ni US President Donald Trump matapos daw mapalitan mula "female" to "male" ulit ang kasariang nakasaad sa kaniyang passport.
Sa TikTok video niya, binanatan ng aktres na tampok sa "Euphoria" si Trump na aniya ay nag-demonize sa pagkilala sa iba't ibang gender diversity, bagay na nauna na niyang nasabi bago pa man siya tuluyang naupo sa posisyon.
Matatandaang nauna nang nasabi ni Trump na magkakaroon na ng reporma sa kaniyang administrasyon, at isa sa mga nabanggit niya ang tungkol sa pagtukoy ng sex o gender: na "male" at "female" lamang ang kikilalanin ng estado.
"I filled everything out just like I normally would. I put female and when it was picked up today and I opened it up, they had changed the marker to male," pahayag ni Hunter sa kaniyang TikTok video.
Nagulat daw si Hunter na "M" na ang nakalagay sa kaniyang pasaporte.
"This is the first time this has happened to me since I changed my gender marker... and I do believe it is a direct result of the administration our country is currently operating under," aniya.
Pero giit pa ng aktres, "Trans people are never going to stop existing. I'm never gonna stop being trans, a letter in a passport can't change that and fuck this administration."