February 23, 2025

Home BALITA National

Ernest Abines sa publiko: 'Pag ako namatay si Torre ang primary suspek'

Ernest Abines sa publiko: 'Pag ako namatay si Torre ang primary suspek'
photo courtesy: Ernest Abines (screenshot: Mhii Amore/Facebook), Nicolas Torre III (Facebook)

Tahasang sinabi ng DDS blogger/supporter na si Ernest Abines na kapag namatay raw siya, si CIDG chief Police Brigadier General Nicolas Torre III daw ang primary suspek.

Nitong Sabado, Pebrero 22, kinumpirma ni Torre na nag-apply siya ng search warrant laban kay Abines kung saan nakuha ng awtoridad ang mga cellphone at computer na ginamit umano nito sa pagpapakalat umano ng fake news tungkol sa kaniya.

"Nag-apply ako ng search warrant para makuha ang mga phone at computer na ginamit mo sa katarantaduhang ginawa mo sa akin," saad ni Torre.

BASAHIN: CIDG chief Nicolas Torre III, pinatutsadahan si Ernest Abines matapos ang search warrant

National

Chel Diokno, nakiisa sa paggunita ng EDSA anniv: 'Buhay ang EDSA!'

Matapos mahainan ng search warrant, nag-Facebook live si Abines nito ring Sabado ng tanghali, kung saan sinabi niyang si Torre ang primary suspek kapag siya raw ay namatay. 

"'Pag ako namatay number 1 suspek si Torre. Kasi si Torre, berdugo; Si Torre ano yan parang asong ulol 'yan. Siya ang tumatrabaho sa kalaban ng bangag na administration," saad ni Abines.

"'Pag ako namatay, pag ako naging missing, si Torre ang primary suspek. He is using the whole PNP organization to protect the bangag administration and to protect his own interest," dagdag pa niya. 

Bukod dito, sinabihan niyang duwag at mukhang pera si Torre.

“General Torre, duwag ka. Mukha kang pera, General Torre. Pwede mo akong mapatay, pero hindi mo ako mapapatahimik. Demonyo ka, General Torre. Mukha kang pera. Binaboy mo ang PNP,” ani Abines.

BASAHIN: Ernest Abines kay CIDG chief Torre: ‘Pwede mo akong mapatay, pero ‘di mo ako mapapatahimik!’

Si Abines ang lead convenor ng Hakbang ng Maisug - Cebu, kung saan isasagawa raw nila ang indignation rally nito ring Sabado sa Mandaue City na inaasahang dadaluhan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.