February 22, 2025

Home BALITA National

Ernest Abines kay CIDG chief Torre: ‘Pwede mo akong mapatay, pero ‘di mo ako mapapatahimik!’

Ernest Abines kay CIDG chief Torre: ‘Pwede mo akong mapatay, pero ‘di mo ako mapapatahimik!’
MULA SA KALIWA: Ernest Jun Abines at CIDG chief Police Brigadier General Nicolas Torre III (Photo courtesy: Mhii Amore/FB screengrab; file photo)

Matapos siyang silbihan ng search warrant, iginiit ng Diehard Duterte Supporter (DDS) blogger na si Ernest Jun Abines na matapang lamang daw si CIDG chief Police Brigadier General Nicolas Torre III dahil nasa posisyon ito.

Matatandaang kamakailan lamang nang silbihan ng search warrant si Abines matapos daw niyang ipakalat na naospital si Torre.

MAKI-BALITA: CIDG chief Nicolas Torre III, pinatutsadahan si Ernest Abines matapos ang search warrant

Sa isang Facebook live nitong Sabado, Pebrero 22, sinabi ni Abines na pinasok daw ng pulisya ang kaniyang bahay nito ring Sabado ng madaling araw upang isilbi ang search warrant, at kinuha rin daw ang kaniyang cellphone at computer.

National

Chel Diokno, nakiisa sa paggunita ng EDSA anniv: 'Buhay ang EDSA!'

Kaugnay nito, tinawag ni Abines si Torre na “duwag” at “mukhang pera.”

“General Torre, duwag ka. Mukha kang pera, General Torre. Pwede mo akong mapatay, pero hindi mo ako mapapatahimik. Demonyo ka, General Torre. Mukha kang pera. Binaboy mo ang PNP,” ani Abines.

“You can file all the cases you can file against me. I don’t care. You can go to my house. You can kill me, you can shoot my house. It’s okay. Para makita ng mga Pilipino gaano ka kademonyo,” dagdag niya.

Hinamon din ni Abines si Torre na lumaban umano nang patas hinggil sa isinampa nitong cyberlibel laban sa kaniya.

“Sana naman, General Torre, lumaban ka nang patas. Walang arm-twisting, walang blackmailing sa mga judge natin. Walang gamitan ng uniformed men to protect you. Kung talagang matapang ka, pumunta ka ng Cebu, ikaw lang,” saad ni Abines.

Si Abines ang lead convenor ng Hakbang ng Maisug - Cebu, kung saan isasagawa raw nila ang indignation rally nito ring Sabado sa Mandaue City na inaasahang dadaluhan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.