February 22, 2025

Home BALITA Probinsya

2 estudyanteng nag-cutting sa klase, nagpanggap na na-kidnap dahil walang pamasahe?

2 estudyanteng nag-cutting sa klase, nagpanggap na na-kidnap dahil walang pamasahe?
Photo courtesy: Pexels and Contributed photo/Facebook

Dalawang high school students mula sa Los Amigos, Davao City ang nadiskubreng nagpanggap na dinukot matapos umano silang mag-cutting classes at hindi makauwi bunsod ng kakulangan sa pamasahe. 

Ayon sa ulat ng Brigada PH nitong Sabado, Pebrero 22, 2025, lumabas umano sa imbestigasyon ng mga awtoridad na hindi totoong na-kidnap ng puting van ang dalawang estudyante matapos makuhanan sa CCTV ng kanilang paaralan na sumakay lang ang mga ito sa isang Public Utility Vehicle (PUV). 

Nagpunta raw ang dalawang estudyante sa isang mall ngunit bigong makauwi matapos magkulang ang kanilang pamasahe. Doon na raw nagkasundo ang magkaibigan na gumawa ng kuwento ng pag-kidnap sa kanila at sinaktan ang sarili gamit umano ang bato. Lumala rin daw ang pag-aalala ng kanilang mga magulang nang kumalat ang isang Facebook post mula sa tatay ng kanilang kaklase na nagsabing nadukot na raw ang kanilang mga anak.

Samantala, tuluyan namang na-rescue ang magkaibigan bandang 12:00 ng madaling araw, Pebrero 20, 2025, matapos makipag-ugnayan sa pulisya ang kanilang mga magulang. 

Probinsya

Punerarya sa Pangasinan, nabiktima ng scam; bangkay na kukunin sa ospital, budol pala?

Sa hiwalay na Facebook post, naglabas naman ng pahayag ang Davao City Police Office at pinabulaanan ang pagkalat ng maling impormasyon kaugnay nangyari sa dalawang estudyante.

"Recently, a viral post falsely claimed that a kidnapping incident occurred in Los Amigos, Davao City, involving students who were allegedly forced into a white van. Upon investigation, personnel from Police Station 20 – Los Amigos exerted efforts to locate the students, only to discover that they had skipped classes, boarded a public utility vehicle, and went to a mall before proceeding to a resort," anang Davao City Police. 

Dagdag pa nila, "With the assistance of their adviser, the students were successfully located and turned over to their respective parents. Coordination was also made with the barangay’s assigned social worker to ensure the students’ well-being."

Nagbabala rin ang mga awtoridad hinggil sa pagpapakalat umano ng maling impormasyon sa social media na mayroon umanong mabigat na parusa sa batas.