February 22, 2025

Home BALITA National

Panawagang isuspinde si HS Romualdez, pinalagan ni Rep. Dalipe: 'Desperate attempt...'

Panawagang isuspinde si HS Romualdez, pinalagan ni Rep. Dalipe: 'Desperate attempt...'
Photo courtesy: House of Representatives

Inalmahan ni House Majority Leader Manuel Jose “Mannix” Dalipe ang isang mosyon na isuspinde si House Speaker Martin Romualdez at iba pang mambabatas na may kaugnayan umano sa anomalya ng kontrobersyal na Bicam report ng 2025 national budget. 

“The request for the Ombudsman to order the preventive suspension of House leaders is a blatant political maneuver aimed at disrupting the work of Congress. It is no coincidence that this comes at a time when discussions on the impeachment have gained traction,” saad ni Dalipe. 

Matatandaang kasama rin si Dalipe sa mga kinasuhan nina Davao 1st district Rep. Pantaleon Alvarez, Senatorial Aspirant Atty. Jimmy Bondoc, Atty. Ferdie Topacio at Mr. Diego Magpantay, President of Citizens Crime Watch (CCW) bunsod ng naturang blankong bicam report kung saan iginigiit nilang nagpasok umano ng tinatayang ₱241 bilyon sina Romualdez ng kuwestiyonableng mga proyekto.

KAUGNAY NA BALITA: HS Romualdez at iba pang mambabatas, isinusulong na kasuhan!

National

SP Chiz, kokonsultahin daw mga senador hinggil sa impeachment trial kay VP Sara

Tinawag din ni Dalipe na “desperate attempt” daw ang panawagang ipasuspinde sina Romualdez sa pamamagitan ng Ombudsman. 

“This is a desperate attempt to weaponize the Ombudsman for political retaliation because the House remains steadfast in upholding transparency and accountability, regardless of political affiliations,” saad ni Dalipe.

Dagdag pa niya, “Malinaw ang taktika nila: mag-file ng mga kaso para may balitang pantakip sa mga isyung hinaharap ng mga Duterte. Kahit walang kuwentang kaso, isasampa sa korte para ilihis ang isyu at palabasin na masama ang mga House Members na nag-impeach sa Vice President.”

Samantala, wala pang inilalabas na pahayag sina House Speaker Romualdez kaugnay ng mga ibinabatong isyu laban sa kaniyang liderato.