Anim na elepante ang naitalang nasawi matapos mabangga ng isang pampasaherong train sa Sri Lanka noong Huwebes, Pebrero 20, 2025.
Tinatayang apat na baby elephants at dalawang adult elephants ang kumpirmadong patay sa naturang aksidente habang wala namang naitalang sugatan sa pasahero ng tren.
Ayon sa ilang local media sa Sri Lanka, ito na ang ‘deadliest wildlife accident’ sa nasabing bansa.
Samantala, ayon naman sa naitalang datos ng Sri Lankan government noong 2024, nasa siyam ang kabuuang bilang ng mga elepante ang nasawi sa kanilang bansa dulot pa rin ng train accidents.
Patuloy din umano ang pagtaas ng bilang ng mga elepanteng nababangga ng tren, dulot ng paghahanap daw ng pagkain ng mga ito.
Sa kabila nito, nananatili pa rin umano ang pag-iral ng batas sa Sri Lanka kung saan itinuturing na krimen ang pagpatay sa mga elepante.
Ayon sa Sri Lankan government, maaaring maharap sa pagkakakulong ang sinomang mapatunayang pumatay sa mga elepante.
Sa kasalukuyan, tinatayang mayroong 7,000 elepanteng naninirahan sa Sri Lanka.