April 01, 2025

Home FEATURES Trending

Virtual Assistant mula Davao, nawindang matapos sumulpot si ‘Zac Efron’ sa call

Virtual Assistant mula Davao, nawindang matapos sumulpot si ‘Zac Efron’ sa call
Photos courtesy: Gilliane Azuro/FB

Usap-usapan ang isang virtual executive assistant mula sa Davao City na biglang nagkaroon ng hindi inaasahang engkuwentro sa isang international celebrity habang nasa kalagitnaan ng kaniyang trabaho. 

Sa isang client call, nasorpresa si Gilliane Azuro, 25, nang ipakilala siya ng kaniyang kliyente sa Hollywood actor-singer na si Zac Efron noong Pebrero 12, 2025. Makikita sa viral Facebook post, ang screenshot ng video call nina Azuro at ng kaniyang kliyenteng si Caleb Davidge at ang international celebrity friend nitong si Zac Efron na naka-peace sign habang nakangiti.

Mababasa sa kaniyang Facebook post, “Back when Zac Efron randomly popped into my client call and said hi to me—”

“Caleb: ‘I have a guest.’ *talking to me ‘This is Gilliane, my assistant from the Philippines. She’s the best.’ *talking to Zac, Zac: looks at me* ‘Hi Gilliane! How are you?’”

Trending

Beki, nasaraduhan sa ukay-ukay; nagpasaklolo sa mga kaibigan

Dagdag pa niya, “Literally have no idea what I said back because na keratin na sowk except I remember I said lemme take a pic (screenshot) and he did a peace sign. Caleb and Zac are besties, so casual. What’s your craziest VA story?”

Sa eksklusibong panayam ng Balita, ikinuwento ni Azuro ang kaniyang hindi malilimutang sandali nang hindi niya inaasahang makita at makawayan pa ni Zac.

Pagbabahagi niya, "I totally saw that coming because I knew Zac and my client were close friends. I’d been lowkey waiting for that moment, but when it finally happened, I didn’t even realize at first that the guest he was talking to (I could hear them in the background) was actually Zac Efron. Safe to say, I felt INSANELY lucky at that moment!" 

Ayon kay Azuro, hindi niya naitago ang kaniyang fangirl reaction nang personal siyang batiin ng aktor.

Lahad niya, "Nope, not at all lol. I think the most unforgettable part of that 30-second convo was when Zac actually spoke to me, smiled, and asked, ‘How are you?’—and then the way he laughed when I completely freaked out lol."

Si Azuro ay limang taon nang nagtatrabaho bilang Virtual Executive Assistant, isang propesyong nagbibigay ng oportunidad sa maraming Pilipinong makipagtrabaho sa malalaking international clients. Nagsimula raw siyang maging VA noong 2020 sa tulong ng kaniyang kaibigan sa simbahan, na nagpatakbo ng isang lokal na VA agency.

"I started my VA career in late 2020, thanks to my church mate who runs a local VA agency. And my client, Caleb Davidge, was referred to me by a different churchmate. So yeah, definitely a full-circle moment," saad ni Azuro.

Si Azuro ay graduate bilang Mass Communication student sa University of Mindanao, ngunit napagpasiyahan niya raw na maging Virtual Assistant. 

Si Zac Efron ay isang American actor na unang sumikat bilang Troy Bolton sa “High School Musical” trilogy. Kilala rin siya sa mga pelikulang “Hairspray,” “17 Again,” “The Lucky One,” at “Baywatch.” Isa sa mga pinakapumatok niyang proyekto ay ang “The Greatest Showman (2017),”  kung saan ginampanan niya ang karakter ni Phillip Carlyle at nakipag-duet kay Zendaya sa kantang "Rewrite the Stars."

Ang post ni Azuro tungkol sa kaniyang Zac Efron moment ay mabilis na nag-viral, na umani ng libu-libong reactions at shares mula sa netizens. Marami ang napa-"sana all" sa kaniyang biglaang Hollywood encounter.

Sa kasalukuyan ang viral post ay may 11k reacts, 94 comments at 2.8k shares na.

Mariah Ang