February 22, 2025

Home BALITA Politics

Ilang Pinoy, mas pabor umano sa mga 'Marcos' kumpara sa mga 'Duterte'—OCTA Research

Ilang Pinoy, mas pabor umano sa mga 'Marcos' kumpara sa mga 'Duterte'<b>—OCTA Research</b>
Photo courtesy: screenshot from RTVM/FB, Pexels and HOR/Facebook

Mas tumaas umano ang bilang ng mga ‘pro-Marcos’ kumpara sa bilang ng mga ‘pro-Duterte,’ batay sa pinakabagong datos na inilabas ng Tugon ng Masa (TNM) Pre-Election Survey ng OCTA Research. 

Batay sa nasabing resulta ng survey na isinagawa mula Enero 25 hanggang Enero 31, tinatayang 36% mula sa kabuuang 1,200 survey respondents ang nagsasabing suportado nila ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr., habang nasa 18% ang nananatiling sumusuporta kay dating Pangulong Rodrigo Duterte. 

Nasa 26% naman ang nagsasabing "independent" o hindi pumapanig sa mga Marcos, Duterte at oposisyon. Nakapagtala din ng 8% para sa mga naniniwala pa rin sa oposiyon habang 12% ang tila neutral sa kanilang political preferences. 

Samantala, nagkomento naman si La Union 1st district Rep. Paolo Ortega V at pinuri ang tila pagpanig umano ng mga Pilipino sa "Team Pilipinas." 

Politics

PDP Laban, tinawag na 'harassment' ang Tri-Comm hearings sa mga vloggers at influencers

"The people have spoken. The Duterte era is over. Team Pilipinas. Team Pilipinas is moving forward," anang mambabatas. 

Binigyang-diin din ni Ortega ang isyu ng West Philippine Sea at Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa, kaugnay ng naging resulta ng naturang survey. 

"This survey confirms that Filipinos are firmly standing with Team Pilipinas, rejecting leaders who have compromised the nation for China—whether by surrendering our rights in the West Philippine Sea (WPS) or enabling the unchecked rise of Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) controlled by Chinese interests," ani Ortega.