February 22, 2025

Home BALITA National

₱1.3-M halaga ng high-grade marijuana, nasamsam ng BOC

₱1.3-M halaga ng high-grade marijuana, nasamsam ng BOC

Nasamsam ng mga awtoridad ng Bureau of Customs (BOC) ang 914 gramo ng high-grade marijuana na mula umano sa Bangkok, Thailand. 

Ayon sa ulat ng BOC nitong Huwebes, Pebrero 20, nag-ugat ang pagkakasamsam ng iligal na droga mula sa nakuhang impormasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na nag-udyok na magsagawa ng full physical examination sa kargamento pagdating nito sa airport.

Ang kargamento ay idineklarang “Food Spices, Condiments, and Groceries." Nang suriin ito, nadiskubre ng mga awtoridad ang 914 gramo ng umano'y marijuana kung saan 26 na pakete ang may laman na "powdery substance," at apat na pakete naman ang may laman na "dried leaves," at "fruiting tops." 

 Tinatayang nasa ₱1,371,000.00 ang halaga ng nasamsam na marijuana. 

National

SP Chiz, kokonsultahin daw mga senador hinggil sa impeachment trial kay VP Sara

Samantala, sa isinagawang chemical analysis ng PDEA, nakumpirmang tetrahydrocannabinol or marijuana ang kanilang nadiskubre. 

Agad na nag-isyu ng Warrant of Seizure and Detention laban sa shipment ang mga awtoridad para sa paglabag sa "Sections 118 (g), 119 (d), and 1113 paragraphs f, i, and l (3 and 4) of R.A. No. 10863, or the Customs Modernization and Tariff Act (CMTA), in relation to R.A. No. 9165, as amended."