February 21, 2025

Home BALITA Eleksyon

'The freedom of choice is an illusion in this country' —Espiritu

'The freedom of choice is an illusion in this country' —Espiritu
Photo Courtesy: Luke Espiritu (FB)

Nagbigay ng opinyon si labor leader at senatorial aspirant Atty. Luke Espiritu hinggil sa dahilan kung bakit patuloy na inihahalal ng mamamayan ang mga kandidatong mula sa political dynasty.

Sa isang episode ng Harapan 2025 ng ABS-CBN noong Martes, Pebrero 18, sinabi ni Espiritu na ang kalayaan sa pagpili ay isa lang umanong ilusyon sa Pilipinas.

“The freedom of choice is an illusion in this country. Tandaan natin ang rule ng dynasty, ‘yan ang pinaka-violent na rule,” saad ni Espiritu.

Dagdag pa niya, “Nakita n’yo ba kung papaano sila magtalumpati like in Camarines Sur and in Las Piñas? [...] Tinatakot nila ang mga botante. ‘Kapag hindi kayo bumoto, hindi n’yo kami mamahalin, hindi namin ibibigay sa inyo ang lupa.’”

Eleksyon

Nadine Lustre, inendorso ang ML Partylist

Bukod dito, inungkat din ni Espiritu ang nangyaring Maguindanao Massacre noong 2009 bilang halimbawa sa abusong magagawa ng political dynasty sa lugar na nasasakupan nito

Matatandaang humantong sa karumal-dumal na pananambang at pagpatay sa tinatayang 58 katao kasama ang 32 mamamahayag na nadawit sa nasabing massacre.

MAKI-BALITA: BALITAnaw: Ang ika-15 anibersaryo ng Maguindanao Massacre

Dahil dito, napabilang ang Pilipinas sa mga bansang pinakadelikado para sa mga mamamahayag.

Kaya naman hamon ni Espiritu, alisin ang salik ng pera at makinarya sa kampanya upang malaman talaga kung iboboto pa rin ng taumbayan ang mga kandidatong bahagi ng dinastiya.