Nagbigay ng reaksiyon si Senador Raffy Tulfo hinggil sa banta ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na patayin umano ang 15 kasalukuyang senador para magkaroon ng posisyon sa Senado ang mga senatorial candidate sa ilalim ng partidong PDP-Laban.
KAUGNAY NA BALITA: FPRRD para magkapuwesto raw PDP-Laban senatorial slate: ‘Patayin natin mga senador ngayon…’
Sa isang episode ng “Morning Matters with Gretchen Ho” noong Martes, Pebrero 18, sinabi ni Tulfo na ginagamit lang umano ni Duterte ang kalayaan nitong makapagpahayag.
“I think he’s just exercising his freedom of speech under the Constitution,” saad ni Tulfo. “Pero may mga nagsasabing dapat ‘di niya sinasabi ‘yon.”
Dagdag pa niya, “Mayro’n ding nagsasabi ‘alam mo naman, ‘pag may sinabi si dating Pangulong Duterte biro lang ‘yon.’ Pero ‘yong iba, sineseryoso tulad halimbawa ni PBBM and I don’t blame him.”
MAKI-BALITA: PBBM, may pinatutsadahan? 'Ang iniisip nila, kaisa-isang solusyon ay pumatay pa ng Pilipino?'
Sa huli, iginiit ng senador na ayaw daw niyang makisawsaw sa away ng magkabilang panig.
Aniya, “Sila ay nag-uusap or nagkaroon ng argumento; hindi pagkakaunawaan, labas ako do’n.”