February 21, 2025

Home BALITA National

Sen. Robin, humingi ng paumanhin sa pahayag ni FPRRD na 'pagpatay sa 15 senador'

Sen. Robin, humingi ng paumanhin sa pahayag ni FPRRD na 'pagpatay sa 15 senador'
Photo courtesy: Robin Padilla/Facebook and Manila Bulletin file photo

Dinepensahan ni Sen. Robin Padilla si dating Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng kontrobersiyal na pahayag nitong patayin ang 15 senador upang makapasok sa Senado ang walong kandidato ng PDP-Laban. 

KAUGNAY NA BALITA: FPRRD para magkapuwesto raw PDP-Laban senatorial slate: ‘Patayin natin mga senador ngayon…’

Sa pamamagitan ng text message sa ilang reporters noong Martes, Pebrero 19, iginiit ni Padilla na “mabait at relihiyoso” umano si FPRRD sa labas ng pulitika. 

“Ako na po ang nagsasabi sa inyo na po, former president Rodrigo Duterte is not a violent man. Napakabait po at religious ang taong 'yan behind the curtain of politics,” anang senador.

National

₱1.3-M halaga ng high-grade marijuana, nasamsam ng BOC

Humingi rin paumanhin ang senador sa mga nasaktan daw sa naging pahayag ng dating Pangulo at iginiit nakahanda raw si FPRRD na harapin ang anumang legal liabilities sa kaniyang pahayag. 

“Paumanhin po sa mga nasaktan. Kung may legal liability ay harapin po ito ni mayor. Pinanganak na handa naman kagi si Digong,” saad ni Padilla. 

Matatandaang noong Pebrero 17 nang opisyal na maghain ng kasong sedisyon sa Department of Justice (DOJ) si PNP CIDG Brig. Gen. Nicolas Torre III kaugnay ng naturang pahayag ng dating Pangulo. 

KAUGNAY NA BALITA: Ex-Pres. Duterte, kinasuhan ni PNP CIDG chief Nicolas Torre