Nagbigay ng pahayag si Kabataan Party-list Rep. Raoul Manuel kaugnay sa pagpepetisyon ni Vice President Sara Duterte sa impeachment case na kinakaharap nito.
Sa latest Facebook post ni Manuel nitong Miyerkules, Pebrero 19, sinabi niyang akala raw niya ay handa ang bise-presidente sa impeachment trial.
“Akala ko, handa siya para sa impeachment trial. Bakit ayaw niya mismo na matuloy ang impeachment trial?!?” saad ni Manuel.
Dahil dito, naaawa na raw tuloy siya sa mga tagasuporta ni Duterte dahil sa idinudulot nitong pagkalito.
Aniya, “Hindi na sila sigurado kung talaga bang handa si Sara Duterte na sagutin sa Senado ang mga batayan ng pagkaka-impeach sa kanya.”
Nakabinbin pa rin ngayon ang impeachment trial ni Duterte sa Senado. Ayon kay Senate President Chiz Escudero, gugulong ang paglilitis pagkatapos ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa Hulyo.
MAKI-BALITA: Impeachment trial kay VP Sara, sisimulan pagkatapos ng SONA – SP Chiz
Sa ginanap na press conference nito ring araw, Pebrero 19, muling iginiit ni Escudero na walang mangyayaring impeachment trail hangga’t walang sesyon ang Senado at Kongreso.