February 21, 2025

Home BALITA National

PhilHealth, ginawang triple ang health coverage para sa dengue cases

PhilHealth, ginawang triple ang health coverage para sa dengue cases
Photo courtesy: PhilHealth file photo and Pexels

Ginawang triple ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang kanilang hospitalization coverage, kasunod ng pagtaas ng bilang ng dengue cases sa bansa.

Ayon sa PhilHealth, mula sa orihinal na  ₱16,000, aabot na sa ₱47,000 ang maaaring maging reimbursement ng mga pasyenteng tatamaan ng severe dengue. Nasa ₱19,500 naman ang maaaring ma-cover para sa mga pasyenteng tinamaan ng mild dengue, na mas mataas  kumpara sa orihinal na ₱10,000 limit.

Matatandaang nauna nang ihayag ng Department of Health (DOH) na inaasahan nilang nasa walong lugar pa sa bansa ang maaari umanong magdeklara ng dengue outbreak. Kasunod ito nang naging deklarasyon ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ng outbreak sa kanilang munisipalidad. 

KAUGNAY NA BALITA: Iba pang mga lugar sa bansa, inaasahang magdedeklara ng 'dengue outbreak'—DOH

National

Registration sa Nat'l ID, bukas na sa mga bata edad 1

KAUGNAY NA BALITA: Quezon City, nagdeklara ng dengue outbreak

Samantala, ayon din sa datos ng DOH, nasa 28,384 dengue cases na ang kanilang naitala hanggang Pebrero 1, 2025, mas itaas umano ito ng 40% kumpara noong 2024.