Nagbigay ng reaksyon ang dating batikan at ABS-CBN News online executive editor na si Lynda Jumilla-Abalos sa naging pahayag ni Sen. Imee Marcos patungkol sa pag-ayaw niya sa "toxic campaigning," sa isinagawa niyang press conference kamakailan.
Sa kaniyang X post, ni-reshare ni Jumilla ang ulat ng ABS-CBN News patungkol dito.
"Ayokong nagbabanatan sa eleksyon. Para sa’kin, self-defeating & unconstructive yung bira nang bira. Para sa’kin, [ipaliwanag] mo anong nagawa mo at ano pa plano mo. Yung paninira ng kabila, hindi ako komportable," na-quote na pahayag ng senadora sa ulat.
Komento naman dito ng dating ABS-CBN journalist, "Oh so the 2022 len-len videos did not constitute toxic campaigning? Breathtaking hypocrisy."

Dagdag pa niya, "To be clear, this was imee marcos pontificating against toxic campaigning. As in. "

Na-screenshot naman ang X post ni Jumilla at ibinahagi sa iba't ibang social media pages, kabilang na ang "We Are Millennials."
"Alam niyo, feel ko talaga recycled plastic ang ginagawang botox sa mukha ni Imee because the toxicity is affecting her brain. Nakalimutan na niya ang Vincentiments Len-Len videos niya?" mababasa sa caption ng post, kalakip ang screenshots ng post ni Jumilla at ulat ng ABS-CBN News.
Ang "Len-Len videos" ay lumabas na satire video noong 2022 tampok ang isang "puppet" na pinangalang "Len-Len," sa kasagsagan ng national elections, sa produksyon ng VinCentiments.
Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ni Sen. Imee tungkol sa isyu.
KAUGNAY NA BALITA: VinCentiments, inilabas ang official trailer ng 'The Exorcism of Len-Len Rose'