February 21, 2025

Home BALITA National

Ilang mga paaralan, nagdeklara ng kanselasyon ng klase para sa EDSA anniversary

Ilang mga paaralan, nagdeklara ng kanselasyon ng klase para sa EDSA anniversary
Photo courtesy: Manila Bulletin file photo

Ilang paaralan na sa bansa ang nagkansela ng klase sa darating na Martes, Pebrero 25, 2025, upang gunitain ang ika-39 anibersaryo ng EDSA People Power I. 

Matatandaang noong Oktubre 2024 nang ilabas na ng Malacañang ang Proclamation 727 na nagdedeklara ng regular holidays at special (non-working) days para sa taong 2025, kung saan nakadeklara ang Pebreo 25 bilang “special working day.”

KAUGNAY NA BALITA: ALAMIN: Listahan ng mga holiday para sa 2025

Samantala, kasunod naman ng maagang deklarasyon ng EDSOR schools na magdeklara ng kanselasyon ng kanilang klase, nadagdagan pa ang listahan ng mga paaralang nagsupinde na ng pasok para sa anibersaryo ng EDSA.

National

₱1.3-M halaga ng high-grade marijuana, nasamsam ng BOC

KAUGNAY NA BALITA: EDSOR schools, ipagdiriwang bilang 'special non-working holiday' ang EDSA anniversary

Narito ang listahan ng mga nasabing paaralan: 

EDSOR schools

• La Salle Green Hills

• Saint Pedro Poveda College

• Xavier School

• Immaculate Conception Academy

Iba pang mga paaralan

• De La Salle Philippines (All 16 schools)

• University of Santo Tomas

• University of the Philippines - Cebu

• General de Jesus College

• Holy Child Catholic School, Inc.

• Imus Institute Inc