February 21, 2025

Home SPORTS

Hidilyn Diaz nagpasalamat sa DepEd; weightlifting, nasa Palarong Pambansa na

Hidilyn Diaz nagpasalamat sa DepEd; weightlifting, nasa Palarong Pambansa na
Photo courtesy: Hidilyn Diaz (IG)

Nagpasalamat ang unang Pilipinang nakasungkit ng gintong medalya sa Olympics na si Hidilyn Diaz sa Department of Education (DepEd) dahil naisama na sa Palarong Pambansa ang weightlifting.

Si Hidilyn ay isang sikat na weightlifter mula sa Pilipinas. Gaya ng nabanggit, siya ang unang Pilipinang nagwagi ng ginto sa Olympics sa larangan ng weightlifting. Nakamit niya ang makasaysayang medalya sa 2020 Tokyo Olympics, kung saan siya ay nanalo sa women's 55 kg weightlifting category.

Makikita sa kaniyang Instagram post nitong Miyerkules, Pebrero 19, ang mga larawan nila ni DepEd Secretary Sonny Angara at iba pa, habang nasa tanggapan ng kagawaran para sa kasunduan.

"It started as a dream, and finally, WEIGHTLIFTING is included as a demonstration sport in the PALARONG PAMBANSA. I have long hoped for my sport to once again be part of the biggest national sporting event for student-athletes in the Philippines. Now, it’s finally happening," ani Hidilyn sa kaniyang Instagram post.

'Golden comeback!' EJ Obiena, nakasungkit ng unang ginto ngayong 2025

"Maraming salamat sa tulong at suporta mula kay Department of Education Sec. Sonny Angara, sa Palarong Pambansa Board at sa Samahang Weightlifting ng Pilipinas (SWP). Gayundin kina sir Noel at Mrs Tootsy."

"The technical working group and I are doing our best, working hard on this, and hoping it will soon become a regular sport."

Sa comment section naman ng post ay nag-reply dito si Angara, "exciting idol! Tnx for repping."

Tugon naman dito ni Diaz, "Sec , Salamat po for helping na maipasok ang weightlifting as demo sports sa palaro."

"Huling reply naman ng DepEd Secretary, "paSalamat kami sa inyo idol Hidilyn."

Bukod sa kaniyang mga tagumpay sa Olympics, kilala rin si Hidilyn sa kaniyang mga pagkapanalo sa iba't ibang international competitions sa larangan ng weightlifting, gayundin sa pagtulong sa mga atleta.