March 31, 2025

Home BALITA Eleksyon

Espiritu, bababaan buwis ng MSME sakaling manalong senador

Espiritu, bababaan buwis ng MSME sakaling manalong senador
Photo Courtesy: Luke Espiritu (FB), Freepik

Inilatag ni labor leader at senatorial aspirant Atty. Luke Espiritu ang paraang magagawa niya upang matulungan ang micro, small, and medium enterprises (MSME) sakaling manalong senador sa 2025 National and Local Elections (NLE).

Sa isang episode ng Harapan 2025 ng ABS-CBN noong Martes, Pebrero 18, sinabi ni Espiritu na pabor siyang babaan ang buwis para sa mga maliliit na negosyo.

Ayon sa kaniya, “There’s a lot of ways to help the MSME. Bakit naman exclusively ibinibigay, ibinabagsak sa manggagawa ang pagtulong sa MSME. E, handicap nga ang manggagawa. Ang mas makakatulong sa MSME ay ang gobyerno.”

“Yes, taxes should be reduce,” pagpapatuloy ni Espiritu. “Kung pwede, ‘wag mo nang i-tax. Palakihin mo sila. Tapos i-subsidize mo. Wage subsidy. Hanggang do’n ako. Para kapag lumaki sila, nakayanan nila eh ‘di alisin mo sila sa wage subsidy. Magsusweldo na sila sa manggagawa sa tamang level.”

Eleksyon

Vilma Santos, dinedma kalabang sinabihan siyang ‘laos’ na

Ito raw ay para masuportahan ang mga negosyong maaapektuhan sa pangunahing adbokasiyang isinusulong niya na walang iba kundi ang pagpapataas sa sahod ng mga manggagawa.

Matatandaang sa isang pahayag noong Pebrero 1 ay malugod na tinanggap ni Espiritu ang inaprubahang ₱200 na dagdag-sahod ng Kamara para sa mga manggagawa sa pribadong sektor sa buong bansa.

MAKI-BALITA: Espiritu, tinatanggap ang panukalang dagdag-sahod ng Kongreso